Thursday, June 28, 2012

Lost in the Rain


My eyes need sleep, but mind doesn't feel like doing so. I just don't get settled enough for bed when I'm occupied with so many tasks undone. It's like sleeping without having to brush my tartar-invaded mouth or taking a bath without soap. Okay, so much for that. I would be very happy to share with you my first Tagalog short story. I was obliged to do so this morning. It is quite limited with the elements given but they all seem to get well. together. You could go on reading. This serves as your warning.

Ligaw
 ni Pink Corncats


Parang karayom sa balat ang patak ng ulan ng gabing iyon. Sariwa pa sa kanya ang larawan ng pahinang may bahid ng dugo. Pilit nya nang nililimot ang lahat ng mga nangyari, ngunit ang ulan ang patuloy na nagpapaalala nito sa kanya.
Halos umapaw na sa tubig ang kalsadang kanyang nilalakad. Madilim ang paligid at iilan na lamang ang mga taong kanyang nasasalubong. Kanina pa siya nagtataka kung bakit parang walang nakaririnig sa kanyang mga tanong. Hindi niya kabisado ang mga pasikot-sikot ng madidilim na eskinitang kanyang babagtasin. Isang ale ang naglalakad palapit sa kanya, nagbalak siyang magtanong ngunit tila hangin lamang itong lumamapas sa kanyang katawan. Saglit siyang napalingon at napansing sumisipol pa ang aleng dumaan! Dumaan sa kanyang katawan! Hindi niya mawari kung matatakot o matatawa. Naalala kasi niya na ang aleng iyon pala ang nakasabay niya sa overpass noong isang araw. Bitbit sa kaliwang kamay ang tali ng mga lumang lata, sa kanan ang isang madungis na manyika. Ngumisi pa ito sa kanya at saka lumakad pababa ng overpass.. Sandali din namang napalingon sa kanya ang aleng di pa kalayuan sa kanyang kinatitindigan. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Ngunit parang walang nakita. Saka tumuloy sa pagsipol at naglakad palayo sa madilim na kalsadang iyon.  
Alam niyang may mali sa mga nangyayari. Alam niyang kanina pa siya hangin sa kalsadang iyon.   Mali palang tumakbo siya palayo. Maling tinakasan ang makabasag-tengang bulyaw ng kanyang Tiya. Sana pala'y sumagot siya at sinabing gusto na niyang bumalik sa kanyang Amang at Inang sa probinsya. Di sana'y hawak pa niya ang musika ng kanyang luma na at sirang gitara. Di sana'y hindi siya kaluluwang ligaw na pilit tinatakpan ang katotohanang wala na siya sa tunay na mundo.  
Mag-iisang buwan na siya doon mula nang pinadala siya ng kanyang Amang sa kanyang Tiyahin  sa Maynila, sa pag-aakalang mas lilinaw ang kanyang kinabukasan. Nangako raw ang kanyang Tiya na pag-aaralin siya kapalit ng pagsisilbi nito sa kanila. Noong una'y maayos ang pakikitungo ng mga ito. Maging ang asawa nitong pulis at anak na dalaga. Ngunit 'di naglao'y sinasaktan na siya ng Tiyahin. Binubulyawan sa mga pagkakamali. Tinatadyankan pag nakababasag ng pinggan. Pinapaso ang balat pag may alikabok sa bintana. Magsusumbong sana siya sa mabait na Tiyuhin ngunit isang gabi'y lihim itong pumasok sa kanyang tinutulugan at siya'y pinagsamantalahan. Wala siyang ibang magawa kundi umiyak. Isumbong ang lahat sa lumang diary. 
Ang lahat ng iyo'y bahagi na lamang ng kabilang mundo. Napansin niya ang kanyang sunog na bisig at ang damit na may bahid pa ng dugo. Hinawakan niya ang buhok na basa na sa patak ng ulan. Malayo na ang mundo sa kanya. Wala na roon ang kanyang Tiyo at Tiya. Malayo na ang kanyang mga pangarap kasama ang kanyang Amang at Inang. Bagamat may ngiti sa labi ay umagos ang mapait na luha. Mga luhang para sa malupit na mundong kanyang iniwan.
 W a k a s

No comments:

Post a Comment